<
Now The Party Don't Start, 'Till I Log In!

Hindi ka magiging “like” ng lahat kahit magpa-like ka pa sa Facebook.
Hindi kA magiging fashionista agad dahil lang sa may account ka sa lookbook.
Nag-sign up ka ba sa wattpad? Dahil Mahilig ka gumawa ng kwento…
May sakit kang “Gusto-kong-maging-famous-online” na wala pa atang lunas na nai-imbentO

‘Di mo na pinatawad pati twitter, dahil pati doon, gusto mo din sUmikat.
Lumalaki na ang iSa sa mga parte ng katawan mo na medyo bandang itaas ng balikat.
Ulo mo pala ‘yan, Kapatid. Ulo mo pala ‘yang masarap bigyan ng ‘di mo makakalimutang pektus.
Dahil sa lAki ng ulo mo, nahiya pa ata ang may mga hydrocephalus. 

Nagka-stiff neck ka Pa sa kaka-online magdamag kaya ang leeg mo’y ‘di maigalaw.
Maigalaw sa direksyon ng pinanggalingan mo dAhil natupad ang iyong “Balang araw…”?
Siguro, inaakala mo, dahiL sikat ka na, marami na sa’yong makikisama?
Dahil kahit sikat ka na boy o girl, tao ka pArin at hindi ka palaging tama. 

?

Sinusubukan kong ‘di agad patawarin ang mga taong minamahal ko’t minamahal ako ngayon dahil gusto kong paghirapan na nila muna. Mahirap kasi kung masyadong mapagpatawad ka dahil aabusuhin lang nila. Gusto ko lang i-prove nila na sincere sila’t ‘di na talaga gagawin ang mga gawaing ‘di ko nagustuhan. Mahirap din pala kapag ambilis magpatawad, pero ayaw ko lang din ‘yung pakiramdam na kailangan pa nilang maghirap para sa’kin… pero at least, nakikita kong sincere sila.