8:36 AM
12:10 PM
Eto ako ngayon, walang magawa. walang ginagawa. haha Pero itong batang eto, 4th year college na ito sa darating na pasukan. haha Kahit ang daming tao na hindi naniniwala sa kakayanan ng batang ito, di parin siya natitinag. Kasi, sandata nya ay ang pagkakaroon ng Diyos sa Kanyang Puso. Sabihan nyo na siya na, Sus Panay Salita lang yan. Pero sa totoo, galing yun sa kanyang Puso.
kaya nagpapasalamat ako kay Lord, sa lahat ng blessings na natanggap ko so far sa aking buhay. Kahit marami akong problema na pinagdadaanan ngayon, di parin niya ako pinababayaan. Alam kong, magiging okay rin ang lahat. haha
Slighlty irrelevant na siya sa post ko, pero di pa ako inaantok. haha K. :)
11:28 AM
11:41 AM
6:25 AM
9:08 AM
Ngayong araw na ito, sa wakas nagpagupit narin ako ng aking buhok. 9 months kong pinaghirapan yung kulot kong buhok pero tinatamad na ako mag-maintain eh. Natural yung kulot ko ha, FYI! :) haha medyo nagmumukhang ermitanyo narin ako eh. haha Kaya gusto ko na maging neat tingnan baka kasi mag-defense kami sa Major namin. Alangan naman di ako presentable tingnan. haha
Huwag mag-alala sa mga taong gusto akong mag-afro, maghintay lang kayo ng ilang buwan. haha Babalik rin ang Kulot! haha :)
Dear Mama,
Mahal na mahal kita. At kung wala ka sa buhay ko, malamang dati pa ako bumigay. Mag-aaral ako ng mabuti para sa inyo. Alam ko namang eto lang naman yung hinihintay nyong regalo galing sakin. You don’t need money, you just want my diploma. I promise to graduate on time and I promise that someday I’ll make you proud. Kayo ni Papa. Salamat kasi kahit ganito yung ugali ko, hindi kayo napapagod sakin. Wag nyo akong iiwan. I need you. Salamat sa pagpapahalaga, sa pagaalaga at sa pagmamahal. Bilang isang anak, sobra akong nagpapasalamat na binigyan nyo ako ng magandang buhay at pinalaki ng maayos. Balang araw, masusuklian ko din lahat ng paghihirap nyo. Mahal na mahal ko kayo.
Nagmamahal, Amos :)
10:22 AM
May 10, 2012
Week 5 of 6 ng Summer Class 2012. Dahil maaga kami dinismiss sa aming Philcon dahil nagfilm viewing lang kami, ayun pumunta kami ng SM nina Jessa and Mark. haha Wala kasing magawa tsaka ang init pa kaya yun tambay muna kami dun ng 2 oras. haha Ayun, usap2x tapos ayun pinagtulungan pa nila akong 2 na ka-puu2x na daw masyado ako. haha sinabi ko kasi pagkumain ako sa mga fastfood chains, may tendency talaga na magbabawas talaga ako sa banyo kaya yun. Pero di naman ako na-offend. haha Tapos yun balik kaagad sa eskwelahan ng 1 pm kasi may tatapusin pa na documents para sa aming na wala na namang nangyari, unproductive. haha pero chox lang masaya parin ang araw ko. :3
9:20 AM






