Photobucket
Hello! I'm Amos Redoblado. Born on the 3rd Day of July 1993. 18 years breathing. Incoming Senior College Student this June 2012 at Ateneo De Davao Univeristy taking up Information Systems. I want to Inspire other People with my posts.. I'm not Famous, I Just want to Express my feelings. ☺
 systems analyst.
May 25th
9:53 AM

Ang Matamaan, Talo. hahaha

Ang problema kasi, dinaramdam natin masyado ang mga posts na nababasa. Kahit di para sa atin, inaangkin natin. Kaya tuloy tayo nasasaktan.

8:23 AM

Ano kaya feeling ng only child?

 Yung mag-isa ka lang na anak. Sayo lang nakatuon ang atensyon ng magulang mo, sunod lahat ng luho mo, lahat. Ang sarap lang siguro ng ganon no? Well, not being selfish, gusto ko talaga mag-isang anak lang ako.

May 24th
11:15 PM

Acceptance and Respect.

Sometimes, you don’t have to hate someone for hurting you. And it is not proper to be bitter either. And the truth is, it is really a common mistake among us individuals for we live with our expectations. We oblige others to love us back. For in the first place, we don’t have the right. It hurts when it sounds so right but that is life after all. Acceptance and most of all respect.

11:54 AM

Muling Pagbangon kapag Bumagsak ka sa mga Subjects.

Kapag bumagsak ka sa isang subject, isipin mo muna mga pagkakamali mo, kung ano ba mga pagkukulang mo bilang estudyante. At kung sa tingin mo naman wala kang problema dahil napasa mo ang lahat ng requirements mo at nag-aral at talagang medyo trip ka ng Professor mong ibagsak dahil daw “TERROR” siya at bilang lang sa kamay niya ang pumapasa sa kanya. Maari mong itanong ang grades mo sa kanya. At maari mong sabihin sa magulang mo na walanghiya lang talaga yung Professor na yun. Kaya minsan maganda ipakita sa magulang na nag-aaral ka eh, tipong mag-aaral ka na bukas ang pintuan. Hindi ka magkakandado, tipong dapat mong isigaw na “NAG-AARAL AKO!!” Basta huwag mawawalan ng pag-asa. Tandaan mong nasa paaralan ka para matuto, hindi magbibigay ng exam ang guro na hindi lumabas sa itinuro niya. Napakaboring naman mag exam kung spoon feeding ang ginagawa sayo, syempre kailangan mo rin mag isip. Ayun yung challenge sayo eh :) At kung irregular student ka naman tulad ko. Gawin mong inspirasyon yung mga kasabayan mong gagraduate na. Sabihin mo sa sarili mong “KAYA MO RIN”. GAGRADUATE DIN AKO! HINDI LANG NGAYON, PERO GAGRADUATE AKO. CAPSLOCK PARA MAALALA AT INTENSE

9:44 AM

Di Porket di ka Lumalaban, Talo ka na.

Nilulugar mo lang ang sarili mo sa tama at dapat mong kalagyan. Hindi ka pumapatol dahil alam mong may pinag-aralan ka at mas mataas ang level mo sa kanila. Wag na wag mong hayaan na masira nila ang reputasyon mo.

This. This is so me right now. 

May 23rd
11:56 AM

Wow! Ang Layo na talaga ang narating ni Jessica Sanchez! At first talaga, di masyado ako nanonood ng American Idol pero nung nalaman ko sa News na may Pinoy na nakapasok sa AI(Kahit Half lang siya) tsaka napa-Standing O pa  talaga ang mga judges sa rendition ng “I Will Always Love” ayun di na ako bumitaw sa babaeng ito. Grabe talaga! Habang kumakanta siya, parang ramdam na ramdam ko talaga ang emosyon na gusto niyang i-deliver sa mga manonood. Tsaka itog babaeng ito, napaa-down to earth at dedicated sa kanyang craft! Kaya sa tingin ko siya dapat ang tanghali na American Idol 2012, kasi kung REAL TALENT ang paguusapan, Siya na ang pasok na pasok. hehe

Di naman ako against kay Philip, magaling rin naman si Philip pero medyo na-boboringan talaga sa kanyang Boses. haha Basta manalo o matalo, malaking karangalan na yan sa ating bansa. IDOL! \m/ :D

11:39 AM

DI PA TAPOS ANG SUMMER CLASS! -.-,

Grabe. Akala ko talaga pagkatapos kahapon  matatapos na ang Summer Class ko at mapapa-SAY HELLO to SUMMER BREAK na ako. SAD nalang sana ang proproblemahin ko.  Kaso may Scope Presentation pa pala kami sa SMART kasama ang mga supervisors ng RSAG Department sa unang linggo ng June. Kanina kakapasa lang namin ng Test Questionaires sa kanila para ma-kuha na namin ang kung ano ba talaga yung Top Problems nila. Baka nga babalik pa kami next week para mag-present ulit kay maam para review narin namin, ayaw niya kasi kami mapahiya dun sa mga supervisors pag magprepresent na kami at mai-defend rin kami ni maam. haha Pero Myghad! Kailangan ko na talaga ng pahinga as in MAJOR MAJOR PAHINGA! 

Alam nyo naman kailangan kong i-reinvent ang aking sarili dahil sa daming problemang nangyari ngayong summer class. May mga plano na sana dapat akong gawin sa loob ng 3 weeks pero ito, parati ko na talagang maiisip ang nalalapit na scope presentation namin. Lord, Ikaw na bahala sa akin. :’(

May 20th
9:32 AM
Via

akosimus:

Bakit ganun? Pansin ko, pag nakikinig ako ng radyo, puro mga lumang kanta talaga ang tinutugtog? Minsan nga, may mga kanta nga na di ko pa naabutan na paminsan naiinis ako o minsan may mga kanta noon na nagugustuhan ko. Kaya dun ako nakikinig sa Killerbee tuwing linggo kasi mga bago ang kanta, countdown show pa siya. hehe :) Fan kasi ako ng 20th century sooongs kaya ganun. :>

7:01 AM

BATI NA KAMI NG KAIBIGAN KO! :’) #GV

Nung thursday, nagkalakas na talaga ako ng loob na kausapin ang kaibigan ko na naalitan ko at di kami nagkakapansin ng ilang linggo. Eh kasi ayaw nya ako makita sa Personal, kaya yun sa Facebook ko nalang siya kinausap. Ito yung naging convo namin…

Me: hi______. kabalo ko na dili ka gusto makipagkita sa akoa, kaya dito nalang ako magusap sayo. Depende narin sayo kung gusto mong basahin ito. Ang gusto ko lang sana sabihin is SORRY sa lahat ng nagawa ko lalo na yung panglalait ko sa uyab mo. nangayo pud kog pasaylo sa imong uyab Joke lang man yun pero, naa gyud limitations ang joke at pinagsisihan ko na yun. Alam kong gasgas na ang word na ito pero nagbabasakali parin ako. Unta ma-forgive ko nimo, pero kung dili gyud ko nimo ma-forgive wala nakoy mabuhat. Wala ko nagpaluoy2x. Ug unta in time magstorya ta tanan about ani, sana binigyan nyo ako ng chance para mag-explain lahat. ug unsa naman gyud ko sa inyuha amigo pabako ninyo o dili? sge _____ ingat2x.

Makalipas ang ilang oras nag reply na siya…

Siya: Hello mus. Kana lang man ako gusto na ma realize nimo na nasakitan ko sa mga gpangsulti nimo. Friends ta oi and dili ko gusto naay kaaway. Thank you sa pag reach out sako miski dri sa fb ra. og unta dili na nimo usabon imong gbuhat sako kay makaingon kog mas better jud akong uyab kaysa sa mga friends na pareho sa imo na wala gbuhat kundi mamuna og lain. I love him and I dont care kung di ninyo xa gusto. 

Marami akong natutunan sa pangyayari. Kaya Humuhingi ako ng Dispensa lahat ng taong na na-offend ko. Sadyang lahat ng Jokes ay may Hangganan. Kaya Sa mga nag-babasa nito, magingat talaga kayo sa mga sinasabi nyo. I-control ang sariling bunganga kung nakaka-offend na kayo o hindi. :) 

May 15th
9:08 AM

Ngayong araw na ito, sa wakas nagpagupit narin ako ng aking buhok. 9 months kong pinaghirapan yung kulot kong buhok pero tinatamad na ako mag-maintain eh. Natural yung kulot ko ha, FYI! :) haha medyo nagmumukhang ermitanyo narin ako eh. haha Kaya gusto ko na maging neat tingnan baka kasi mag-defense kami sa Major namin. Alangan naman di ako presentable tingnan. haha 

Huwag mag-alala sa mga taong gusto akong mag-afro, maghintay lang kayo ng ilang buwan. haha Babalik rin ang Kulot! haha :)

May 13th
12:39 PM

SUMMER CLASS FINAL WEEK.

Last week na ng Summer Class. Ang mga dapat gawin ngayong Linggo:

Monday

  • Film Viewing - Part 2 ng Batas Militar sa Philcon
  • Continue gawa Milestone 3 para sa aming ISAF sa Capstone.
  • Consultation kay Uncle(Kung maka-uncle, parang close lang?) Edwin sa ISAF namin. 

Tuesday

  • Mag-didiscuss ang Ina ni Maam Tetchie na si Maam Belma. haha Bakit ba kasi wala si Maam Tetch? haha
  • Simula na siguro Work sa SISP.

Wednesday

  • Magbabalik na si Maam Tetchie with a Revenge. Oral Recitation daw. Grabeee kinakabahan na ako. zzz T_T Sana ibigay narin ni Maam ang Midterm Grade namin. tsssss :|
  • Continue Work SISP.

Thursday & Friday

  • Don’t know kung anong gawin sa Philcon basta sa Capstone/OJT Continue parin ata gawa or baka Defense na namin iyan. Wag muna sana di pa kami prepared. :O

Saturday

  • Final Exam na sa Philcon.
  • Defense na ata siguro ng aming proposal for SMART RSAG Mindanao o Davao. Don’t knowwww. hahaha

God Bless this Final Week!  (: O Siya, Good Mornight!

4:50 AM

RF: 7 YEARS NA AKONG TULI NGAYONG ARAW NA ITO!


HAHAHAHAHA! naalala ko pa mag-sesecond year hayskul pa ako noon. Itinuli ako sa Davao Sanitarium Hospital sa Bangkal. Malapit lang rin sa amin. haha Naalala ko pa nun bago ako sumabak sa operasyon ay sinabihan ko ang doktor na painumin nyo ako ng Sleeping Pills para di ko maramdaman ang sakit pero di pumayag ang doktor. haha Ayun panay Sigaw ako ng sigaw nung mga oras na iyon, naabot ata boses ko hanggang sa Gate daw ng ospital. Oo seryoso. haha :)) Pero buti nalang TAPOS NA AKO! WOHOO! :P

4:43 AM
Via

AMOS REDOBLADO SHORT LIFE STORY. (SALAMAT NEW FOLLOWERS)

akosimus:

Dahil bored at di pa ako makatulog ngayon, ipapakilala ko nalang siguro kung sino ako.

Hello! Ako nga pala si Amos Peñaranda Redoblado. Kasalukuyang 18 taong gulay. At ako’y bunso sa apat na magkakapatid. Ang mga magulang ko ay ang medyo may katandaan na pero yung papa ko sinusubukan parin magtrabaho upang maitaguyod parin kaming mga pamilya nya. Yung Panganay kong kuya, graduate siya nang ECE sa UIC tapos yung isang Kuya ko naman, yung pangalawa ay nakapagtapos bilang isang maritime(di ko alam anong course nya) sa MAAP sa Maynila. Tsaka yung isang ate ko, nagstop na siya dahil gusto nya talagang maabot ang kanyang pangarap bilang isang singer pero hanggang ngayon di parin siya tumitigil kasi naniniwala siya na habang buhay pa siya may pag-asa. Kaya ngayon kasalukuyan siyang may banda kasama ang kanyang mga ka-batch noon sa PDA SEASON 2 at kasalukuyan silang nagtatrabaho sa Singapore bilang isang banda. Yung isa kong kuya ay may pamilya na (yung pangalawa) at yung isa naman yung panganay ay kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang seaman/electrician. Pero ito ako, Kasalukuyang nag-aaral, kasalukuyang STRUGGLE sa pag-aaral hahaha sa kursong BS Information System sa prestihiyosong paaralan ng Ateneo De Davao University.


hahaha. Ako, mahilig akong kumanta, di gaanong sumayaw, umarte di gaano, hilig ko ring magphotoshop, nasimula akong matutong mag-photoshop nung 3rd year hayskul ako sa Philippine Womens College, kaya nagpapasalamat ako dahil sa kanila mas nahasa ko ang aking kakayanan sa pag-edit ng mga litrato o kaya naman ang pagconceptualized ng mga bagay2x. Mahilig rin ako kumain, pero sadly di ako tumataba. KAKAINIS! Pero sige nalang. haha


Ang Gusto ko sa mga tao, yung mga TOTOO sa akin, yung mga taong unang kita palang parang gusto ka talagang makilala ng lubusan, yung may sinceridad sa kanyang mga mata at puso niya. Yung mga taong may sense of humor gaya ko. Di naman sa gaanong may sense of humor ako, paminsan corny ako pero STILL sinusubukan ko parin pasayahin ang mga tao. Kahit nagmumukha na akong tanga paminsan. hihi. Gusto ko rin yung mga friendly at tsaka di namimili ng kanyang kinakaibigan (depende rin sa ugali ng tao). Eh kasi may mga tao na ngayon na Pangit pero masama ang ugali at may maganda/gwapo pero mabait naman and vice versa. Pero wala akong pakialam sa Panlabas na anyo, basta maganda makisama at mabait, CHOX na CHOX na yun sa akin. haha Gusto ko rin sa tao yung hindi palamura, hindi naman sa sobra niyang santo pwede naman siyang magmura pero sana ILUGAR nya o kaya naman kasali sa SENSE ang kanyang pinagsasabi. hahaha 



Ang Pinaka-ayaw ko naman yung mga ipis na lumilipad, bigla nalang tatalak pag may kausap ako, dun sa mga taong Plastik, mga mata-pobre, yung mga taong nilalayo ako sa mga kaibigan ko. AYAW KO TALAGA NYAN! Yung mga taong insensitive at yung mga taong di ako maintindihan.



Sa Buhay marami pa akong gustong matutunan, lalo na sa kurso ko gustong gusto ko talagang matuto kaso maraming distractions eh. Di tuloy maka-concentrate. Gusto kong matutong mag-drive, pagmagkakaroon na ako ng kotse. Gusto ko rin pagka-graduate ko, gusto kong mag-aral siguro ulit at pasukin ko ang Multimedia. hahaha Gusto ko talaga mas lumawak ang pagiisip ko pagdating sa pag-edit. Gusto ko rin matuto kung paano ang gumawa ng mga Videos, Gusto kong matuto ng Photography and etc. Pero siguro, pag magkaroon na siguro ako ng trabaho, at pagnagkaroon na ako ng sweldo ipagaaral ko na siguro ang sarili. Pero ang gusto ko talaga is MATULUNGAN  KO ANG MAGULANG ko sa LAHAT NG EFFORTS NILA SA AKIN. KAYA NAPAPASALAMAT AKO SA KANILA DAHIL KUNG WALA SILA, WALA AKO NGAYON DITO SA KINALALAGYAN KO NGAYON.


Nagpapasalamat ako sa lahat2x at lalo na sa Panginoon dahil binigyan nila ako ng mga taong alam kong, minamahal ko at di ko sila ipagpapalit na kahit na sinong kayamanan dyan o kahit ano pang makakadestruct sa akin. Marami pong Salamat.

May 12th
11:35 PM
Dear Mama,
Mahal na mahal kita. At kung wala ka sa buhay ko, malamang dati pa ako bumigay. Mag-aaral ako ng mabuti para sa inyo. Alam ko namang eto lang naman yung hinihintay nyong regalo galing sakin. You don’t need money, you just want my diploma. I promise to graduate on time and I promise that someday I’ll make you proud. Kayo ni Papa. Salamat kasi kahit ganito yung ugali ko, hindi kayo napapagod sakin. Wag nyo akong iiwan. I need you. Salamat sa pagpapahalaga, sa pagaalaga at sa pagmamahal. Bilang isang anak, sobra akong nagpapasalamat na binigyan nyo ako ng magandang buhay at pinalaki ng maayos. Balang araw, masusuklian ko din lahat ng paghihirap nyo. Mahal na mahal ko kayo.
Nagmamahal, Amos :)

Dear Mama,

Mahal na mahal kita. At kung wala ka sa buhay ko, malamang dati pa ako bumigay. Mag-aaral ako ng mabuti para sa inyo. Alam ko namang eto lang naman yung hinihintay nyong regalo galing sakin. You don’t need money, you just want my diploma. I promise to graduate on time and I promise that someday I’ll make you proud. Kayo ni Papa. Salamat kasi kahit ganito yung ugali ko, hindi kayo napapagod sakin. Wag nyo akong iiwan. I need you. Salamat sa pagpapahalaga, sa pagaalaga at sa pagmamahal. Bilang isang anak, sobra akong nagpapasalamat na binigyan nyo ako ng magandang buhay at pinalaki ng maayos. Balang araw, masusuklian ko din lahat ng paghihirap nyo. Mahal na mahal ko kayo.

Nagmamahal, Amos :)

May 11th
10:22 AM

May 10, 2012

Week 5 of 6 ng Summer Class 2012. Dahil maaga kami dinismiss sa aming Philcon dahil nagfilm viewing lang kami, ayun pumunta kami ng SM nina Jessa and Mark. haha Wala kasing magawa tsaka ang init pa kaya yun tambay muna kami dun ng 2 oras. haha Ayun, usap2x tapos ayun pinagtulungan pa nila akong 2 na ka-puu2x na daw masyado ako. haha sinabi ko kasi pagkumain ako sa mga fastfood chains, may tendency talaga na magbabawas talaga ako sa banyo kaya yun. Pero di naman ako na-offend. haha Tapos yun balik kaagad sa eskwelahan ng 1 pm kasi may tatapusin pa na documents para sa aming na wala na namang nangyari, unproductive. haha pero chox lang masaya parin ang araw ko. :3