<
Now The Party Don't Start, 'Till I Log In!

Day 1 (July 8, 2012)

                      

  • Galing pa ako SM nun kasi makipagkita pa ako kay Mama! Na-mag-4 pm na, assembly time namin is 5 pm kaya yun nagmamadali akong pumunta ng school, pero pagdating ko dun, gulay! Ako pa pala yung 2nd sa amin na dumating kaya yun picture2x muna kami kasi icoconfiscate na daw mamaya ang mga gadgets! 
                       
  • Bago kami Pumasok sa Van, isa sa mga kaibigan ko nag-sabi sa akin na bawal pala talaga mag-dala ng camera kaya yun itinago ko muna sa pinaka-ilalim ng aking bag tapos yun pinacheck ko yung parent’s consent ko dun kinabahan rin ako dun baka di ako ipasama eh kasi nga lumipat nga lang ako. hahaha pero ayun, di naman nahuli ang camera ko at okay naman ang naging resulta kaya yun sure na sure na akong makakasama sa Retreat! ^^                            

                         

  • Nung nasa van na kami nalaman nalang rin namin nasa Las Storta kami mag-reretreat at yung magfafa-cilitate sa amin ay yung nagfacilitate rin sa amin nung 3rd year retreat, mas lalo akong/kaming na-excite kasi may idea na ako/kami kung paano siya magturo/magbigay ng mga tanong and etc. Ang unang ginawa kaagad namin pagdating dun ay briefing muna ano yung mga dapat at hindi dapat namin gawin! Actually, nakakatawa yung isa pa naming facilitator, saya nya mag-kwento! hahaha Pagkatapos nya kaming ibrief, pinakumpiska muna sa kanya ang aming mga cellphone, nahiya naman ako sa iba kasi yung iba mga Android2x, Iphone2x tapos ang akin, MyPhone lang! Pero sige nalang magkakaroon rin ako sunod. hehe tapos yun, Pina-dinner muna kami ayun busog na naman kami tapos after 1 hour ata yun, pinabalik na kami dun sa parang little chapel? idk kung anong matatawag dun basta tapos yun dun na nagsimula ang Retreat. Ang dami na namang lumabas sa isip ko na kung mafuful-fill ko ba ang mga dapat kung gawin dito sa Retreat na ito? Ayun, pinagdasal ko talaga kay God na sana maitama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. Sorry di ko na ma-elaborate ang mga pangyayari kasi medyo nakalimutan ko na. haha Tapos ng 2 or 3 hours ng session ayun, Midnight Snack kami at punta na sa aming mga headquarters. Hiwalay pala ang Boys and Girls. Pero sa totoo lang, slight na op talaga ako sa mga boys kahit medyo close ko halos lahat di ko ba alam! Alam ko kasing kasama ko yung mga tao na di ko nakasundo nung ilang mga buwan. Normal lang naman siguro yun. Kaya yun, nauna nalang ako natulog sa kanila. 
                                 

Read More

Sinusubukan kong ‘di agad patawarin ang mga taong minamahal ko’t minamahal ako ngayon dahil gusto kong paghirapan na nila muna. Mahirap kasi kung masyadong mapagpatawad ka dahil aabusuhin lang nila. Gusto ko lang i-prove nila na sincere sila’t ‘di na talaga gagawin ang mga gawaing ‘di ko nagustuhan. Mahirap din pala kapag ambilis magpatawad, pero ayaw ko lang din ‘yung pakiramdam na kailangan pa nilang maghirap para sa’kin… pero at least, nakikita kong sincere sila.

Oh! Lapit na ang Retreat namin. Actually may plano akong lumipat ng Retreat sa kabilang section baka kasi may importante kaming pupuntahan ng Mama ko within the dates July 22 onwards kaya ganun!Pero ang isa rin sa gusto kong lumipat eh kasi gusto kong makasama yung mga taong MAS malapit talaga sa puso ko!

At gusto kong sana magkaroon ng mas closure sa aming magkaibigan. Alam nyo naman siguro yung nangyari noong Last Summer Class kaya yun, gusto kong iexplain sa kanila kung ano ba talaga yung ano ako, ano yung side ko. haha Pero Okay naman kami ngayon lahat, yung 2 nalang talaga ang di ko nakakausap! Pero baka, di sila lilipat eh pero kung lilipat, Mabuti yun! Kasi ang Retreat yan lang siguro ang tanging alam ko na makakapagusap kami ng maayos sa lahat ng mga taong di ko masyado nakaintindihan noon. At Gusto kong manumbalik ang lahat ng mga masasayang alala kasama ng aking mga kaibigan. 

Sad Kasi…

  • Bumalik na si Ate ng Manila kaninang Umaga.
  • Di natuloy ang pagpunta namin sa Bahay ng Friend namin!
  • May Nakita na naman ako. Awkwaaard! -.-
  • Konti nalang Pera ko. Sumakay kami ng Taxi kasi umulan pero biglang nawala ang ulan. UGH!
Happy kasi…
  • Nag-bonding kami ng mga kaibigan ko. Punta kami ng Mall, nag-pasyal, tapos kain lang sa KFC tapos superduper kwentuhan! :))
  • Marami akong na-meet na bagong friends, actually friend ko sila sa facebook pero di ko pa talaga sila na-meet o nakilala ng personal. Ang saya pala talaga sa feeling noh? Makakilala ng bagong kaibigan. Ang bait nila promise! :)
  • Naging Extra sa isang Video ng isang Org. sa ADDU! hahaha. Feel ko Yagit ako dun pero Sige nalang. hehe Exposure. LOL :)))

basta ang saya2x ko ngayong araw. Yung feeling na parang wala kang inaalala ng Problema, puro kasiyahan lang. Di pa talaga ako pinagalitan ngayon ng papa ko kasi di pa ako natutulog ngayon (Tulog na siya eh! haha). Salamat Lord! Good Vibes lang ngayong day. haha :)

matabangutak:

Nakakairita yung mga war freak na tao. Lalo na yung hindi mo alam kung ano yung pinaglalaban. Hindi mo alam kung pinag-iisipan niya ba lahat ng galawan niya bago niya gawin ang isang bagay. Minsan maiisip mo kung ano purpose ang ginagawa niya eh, para ba maligtas ang naapi? O makakuha ng atensyon at magpaawa na sila ang natatapakan at hindi ang mga tao.

Kaya may nangengealam kasi gusto nila ayusin ang mali. At kung ganyan ang pakikitungo niyo sa mga taong nakapalibot eh talagang “Circle Of Friends” niyo na lang ang mananaig at hindi na madadagdagan yan. Kung walang mali, hindi mapapansin ang mali. Oo at atin tong ating mga blog, pero yung pakikitungo sa tao? Iba yun eh, kung gaano ka awkward ang ginagawa ng isang tao sayo, kung gaano ka awkward ang favor na hinihingi niya sayo, kung gaano ka awkward na ang usapan niyo. Basta kasi dito sa tumblr eh… Awkward is Awkward talaga.

Basta, 

Minsan hindi porket naapi ang kaibigan eh reresbak na agad ang buong magkakaibigan. Dapat inaalam niyo muna ang ginagawa ng kaibigan niyo bago niyo ipagtanggol. Ang kaibigan eh hindi yung kaibigan na laging kakampi sayo, dapat marunong din silang magpangaral ng tamang halimbawa sa mga kaibigan nila. At ang kaibigan eh inaalam muna ang lahat ng pangyayari at lahat ng ginagawa ng nasasangkot niyang kaibigan bago magbitaw ng mga matatalim na salita.

Lunes na bukas, Martes na ang Kasunod kinakabahan na talaga ako sa Tuesday! Scope Presentation na namin sa SMARTPero may isa pa akong dapat harapin. Ang Kausapin ang Dapat Kausapin. Kasi napapagod na talaga ako, kung pataasan na ng Pride, sila na talaga ang nanalo. Pero, gusto ko pa rin subukan baka magiging okay na. Pero kung, hindi na talaga, wala na akong magagawa! Kung wala ni isa sa amin ang magpapakumbaba, mas lalong lalabo ang friendship diba? :\ 

Bakit nung Kinausap ko lang siya kanina, parang ang tingin nya sa akin paring kinasusuklaman na niya ako? Grabe! Parang abot langit talaga ang Galit nya sa akin, ni di ko nga alam ang rason bakit nagkakaganun siya? Pero Sana, maayos na ang dapat o maari ko pang maayos. Ayaw ko lang kasi talaga na may nakakaaway na, tapos na ang ERA na iyon at ayaw ko ng balikan, gusto ko maging masaya na ang lahat, Wala ng inaalalang tao na dapat kausapin and etc.

Ang maipapayo ko lang sa iyo, sana kalimutan na yung nangyari noon, at magsimula ng bagong bukas. Alam mo, wag ka talagang magtanim ng Galit sa iyong puso. Kasi na-experience ko na yan, wala talagang magandang maidudulot yang pagtatanim ng galit. Pramis! Sana, maging magkaibigan na ulit tayo! :| *crossing fingers* 

Habang tumatanda ako, napapansin kong hindi na ganon karami ang mga kaibigan ko. Some left me, some betrayed me, and of course, some stayed.

I, as a person, have weaknesses too. Friends are one of my weaknesses. But as I come to real maturity, it came to me na hindi ko kailangan ng sobrang daming kaibigan. Ang kailangan ko ay yung mga totoo. Totoo hindi lang sakin, kundi maging sa kanilang mga sarili.

akosimus:

ay sorry nakisingit ako sa labteam, ;”»
Happy 1 year &amp; 2 months sa aking mga kaibigang, Justin &amp; Krizia! :&gt; hihihi

akosimus:

ay sorry nakisingit ako sa labteam, ;”»

Happy 1 year & 2 months sa aking mga kaibigang, Justin & Krizia! :> hihihi

Bahala nag Yagit, Basta Nagakaon kog Danggit! \m/

Bahala nag Yagit, Basta Nagakaon kog Danggit! \m/