Now The Party Don't Start, 'Till I Log In!

First day na first day at ang oras ng first class ko ay 8:45 am at Luckily, 8:15 am na ako nagising. Nice One! Yan kasi sige nood PBB Teens2x! Yan tuloy. Hahahaha! anyways, ayun nagmamadali akong maligo at di na naman ako kumain ng aking breakfast kaya yun mabilis akong nagayos tapos yun pagdating ko sa 6th floor, ayun wala na namang teacher. Ugggggh! Yan talaga ang kinakainis ko ng 1st day pero sige nalang wala pa sa kondisyon utak ko eh. haha tapos yun, nakita ko yung mga friends ko at nilapitan nila ako, ilang weeks kaya kami ng walang communication. Kaya yun sobrang na-miss ko sila! Nalaman ko rin na mag-kaklase pala kaming lahat sa isa kong Subject kaya yun sobra ang galak sa mukha ko. Ng wala na namang klase sa aking 2nd subject ayun, sumama nalang ako sa kanila mag-lunch sa Abreeza tapos ng lunch pagka- 12 am balik kaagad sa school kay nandun na yung Mama ko. Pinipilit talaga akong magpaevaluate! Nung nagpaevaluate na ako, akala ko pa naman ang dami nyang tinanong isa lang pala! HAHAHAHAHA Effort masyado mama ko noh? Pero binigay rin naman nya ang baon ko ngayong araw kaya okay narin tapos yun, pag ka -2:30 pm, Huling klase ko na, kinabahan kami at first eh kasi baka ma-dissolved! Akala rin namin kami2x lang yung magkaklase pero di pala. Ang dami namin kaya yun dahil wala na namang teacher napagisipan namin punta ng SM gusto kasi ng isa kong kaibigan magpagawa ng tag na pinagawa ko rin kaya yun habang ginahintay namin yung pinagawa niya, lakad2x muna sa Mall at kwento2x! Tawa ng tawa kagaya parin noon. hehe Tapos yun nauna na akong umuwi kasi bumalik pa sila ng school. 

Sana ganito nalang parati noh? Walang Teacher! Stroll lang ng Stroll sa Mall! hehehe pero joke lang! Aral na tayo mabuti! O Siya, Matutulog pa ako, iregards nyo nalang ako sa schedule ko bukas. 7:40 am to 7:30 pm. WAGAS DIBA? T_T haha

Kayo Kumusta ang Unang Araw? :)

Unang Litrato ng Pagiging isang Opisyal na 3rd year College Student! \m/ XD

Unang Litrato ng Pagiging isang Opisyal na 3rd year College Student! \m/ XD

Yabang may ONE PAD PAPER siya oh, sa SUSUNOD na BUWAN , MANGHIHINGI na yan. \m/ :)))))))))))

Anak ng Kwek Kwek naman ito o! Bukas na ang simula ng unang semestre sa ATENEO at ako itong 3rd year college na sa Kursong BS-Info System na mukha paring 1st year college at utak 1st year College! HAHAHAHAHAHA :)))) What to Expect Bukas? Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm…

  1. Mga Bagong Estudyante. OO mga 1st year students, Transferees at iba pa. pero mas na-eexcite ako kung may nag-shift ba na galing sa IT o sa ibang kurso na magiging kaklase ko. (YUNG MAGANDA! ;’))
  2. Add/Drop Stampede? :))))) Stampede kasi dami na naman tao dun sa Bintana na malapit sa CS OFFICE na gustong mag-add o mag-drop ng mga subjects. Ako? Gusto ko talaga i-drop yung isa kong subject kasi natatakot akong mag-MATH. T_T
  3. Meet New Teachers. May bago pa ba samin dun? parang paikot2x nalang kasi yung mga teacher sa mga MAJOR SUBJECTS namin pero dun sa 2 subject alam ko di ko pa yun sila kilala kaya EXCITED narin ako kahit papano.
  4. Mga Kaaway/Kaibigan, Kaklase at ESPECIALLY ang MGA CRUSH! Oo! Makikita ko na ulit sila lahat at excited na talaga ako namakita sila lahat. dami na namang paguusapan nito :)
  5.  at ang pinakaimportante sa lahat ang IYONG INTRODUCTORY SPEECH. (SANA WALAAAAAAAAAAAAAAAA NA! :(()

Kayo, Excited na kaayo sa Pasukan? :)