Kanina sa SM :))
Kanina nagplano si mama na maglakwatsa kami kanina sa SM dahil daw nandun sina KUKU MARTEN. =))) Pagdating namin sa SM, ayun expected ko na di na pupunta sa VENUE si mama kasi sobrang daming tao tsaka umulan pa talaga. kaya yun, pagpunta namin sa Grocery, Timing naman dun na pupunta daw si Erich Gonzales para ma-meet and greet nya ang mga fans. Pero kailangan muna bumili ni Inay ng 100 or 200 pesos worth ng mga produkto ng Pantene. Kaya yun mabilis siyang tumakbo sa Grocery at bumili nga ng Sabon. Kaya yun, napaisip ako: “Ma, required talaga na bumili ng 200 pesos na shampoo? Wala na nga tayong pagkain sa bahay, tapos ibili mo pa ng mga shampoo? T_T”) kaya yun pagkatapos nyang bumili at nagparegister siya doon tapos ayun, masaya siya dahil napabilang siya sa 50 na tao na mame-meet ni Erich ayun. Tapos yun dumating siya at di ko akalain na nagkaharap talaga kami ng Face to Face habang papunta siya dun sa pupuntahan nya. Pwede ma-star struck? ka-ganda pala talaga nya ayun kaso, sa sobrang dami ng tao ayun pinabalik ulit si Erich dun sa Bodega ng Grocerihan? (dun kasi siya dumaan. tama ba ang term ko? basta yun! haha) tapos yun sabi nung isang staff na “Wag kayo magaalala yung makakalapit lang kay Erich ay yung bumili ng shampoo worth 100 or 200 pesos tapos yun sobrang saya talaga ni mama na kahit ako parang naiingit nako nung time na yun sa kanya. sabi ko pa na “Sana bumili narin ako ng Shampoo!” HAHAHAHA tapos ng biglang may sinabi yung istaff ng SM, “SORRY DI NA BABALIK SI ERICH!” AYUN, CANCEL ang pagbalik nya ayun, gumuho ang mundo ni Inay at yun… Sabi ko sa kanya, “ayan tuloy! sabi ko sayo bitao ngayon ibabalik mo ba yung pinamili mong shampoo?” HAHAHAHAHA :)) TIWAS!