Bakit nung Kinausap ko lang siya kanina, parang ang tingin nya sa akin paring kinasusuklaman na niya ako? Grabe! Parang abot langit talaga ang Galit nya sa akin, ni di ko nga alam ang rason bakit nagkakaganun siya? Pero Sana, maayos na ang dapat o maari ko pang maayos. Ayaw ko lang kasi talaga na may nakakaaway na, tapos na ang ERA na iyon at ayaw ko ng balikan, gusto ko maging masaya na ang lahat, Wala ng inaalalang tao na dapat kausapin and etc.
Ang maipapayo ko lang sa iyo, sana kalimutan na yung nangyari noon, at magsimula ng bagong bukas. Alam mo, wag ka talagang magtanim ng Galit sa iyong puso. Kasi na-experience ko na yan, wala talagang magandang maidudulot yang pagtatanim ng galit. Pramis! Sana, maging magkaibigan na ulit tayo! :| *crossing fingers*
2nd day ( June 14, 2012)
Wala! Super Earlyyy pa naman ako for my 7: 40 am class ng di pala dumating ang teacher namin. Kaya yun, 1 pm pa klase ko kaya nakisabay muna ako sa classmate ko kasama ang kanyang kapatid! First time namin magsama talaga ayun sige kami tawa and everything tapos yun pagdating ng 1 pm, klase ko na sa aking ever favorite subject na Philo 104, yun kinakabahan kami ng kaibigan ko na baka yung teacher namin nung summer ang magiging teacher namin, i-drodrop daw namin so yun, habang ako sobrang kinakabahan nako tapos ang init pa talaga, kulang nalang talaga mag-breakdown na talaga ako. Tapos nung dumating na yung teacher namin, ayun payat tapos parang medyo may pag-kaako rin kaya yun parang napanatag na ang loob naming dalawa pero nung sinabi nya na “BAKA ITO YUNG KLASE NA IDRODROP KO” kaya yun parang slight na gumuho ang mundo namin. Pero sana siya na nga. Pag katapos nun, pasok na naman ako sa susunod kung klase ang operations mgt. Katakot ng teacher namin dun, biruin nyo wala kaming QUIZ naka Papel at Exam naka-papel. LAHAT ORAL! OO ORAL! Grabe parang Gustong maging PHILO itong subject na ito pero sa tingin ko, masusubukan talaga kami lahat nito. ugggh! Tapos sa sunod kong Klase, 4:00 pm ang Theo 141 at na-shock ako na ang bagong anyo na si Maam Dayrit na naman ang aming teacher ( Last Theo Teacher Namin). Pero parang nanganganib ang aming klase baka kasi ma-dissolved kaya yun, malalaman pa daw namin next meeting kung na dissolved ba o hindi. haha Tapos after my Theo Class? haha, Since early dismissal kami, ayun nakipagkita muna ako sa aking HS friend while waiting for my last class. Ayun, sinamahan muna niya ako kumain sa City Tri! Ayun at ang dami na naman nyang pasabog na mga kwento! Di ko makayanan ang kanyang mga chikka. Nakaka-lurky! hahaha :)) Tapos nun balik 6th floor na ako for my Last Class, ang Philo 106. Grabe noh? 2 Philo sa isang Sem at Same Schedule pa! Werla! Pero Buwis Buhay na eh! Ayun, nagstart na ang klase at medyo confident pa ako na first na ah, baka pagbibigyan na ako ni Lord nito. Iba kasi ang perspective ng mga tao, kapag feeling nila na Weak ang Teacher or for short di terror, Sure Pass na pero nung kinagibihan nung twineet ko ang Name nya ayun, Bumaha ang nag-reply sa akin! ISANG MALAKING CAPSLOCK NA “GOODLUCK” ang binigay sa akin! Kaya yun, medyo kailangan ko talaga mag-buwis buhay para sa subject na yun. haha At Dun natapos ang 2nd day ko! :)
3rd Day (June 15, 2012)
Nothing Special nangyari nung araw na yun puro Ka-BVhan lalo na yung pauwi na ako. First Day namin sa Technopreneurship na class. Teacher pala namin ang Bagong Coordinator ng aming Course na si Maam Pellobelo. Ayun, discuss2x siya konti pero first impression ko talaga sa aming Bagong IS Coordinator/Techno Teacher, Approachable siya at Nice! hehe Tapos after nun, di na naman sumipot ang teacher ko sa next class ko pero wala pa talaga akong gana pumasok na subject na iyon! hehe :P Tapos yun, last class ko nung araw na yun which is History 50, buhay ni Rizal ang pagaaralan namin dun. Ayun, natatawa lang ako sa teacher namin kasi habang may tinanong siya at di naman masagot, siya na rin ang sumagot kaya nun feel ko nag-revenge siya sa amin kaya pina-quiz niya kami and unfortunately, 3/25 lang nakuha ko. hahahaha Proud lang? :))) Pero ayun, pagkauwian, ayun kainis lang tung mama ko kasi di nagpaalam at kukunin nya laptop ko tapos yun pinuntahan ko naman siya sabi nya sa bangkal nalang daw ako baba tapos pagbaba ko, nag-text naman siya nasa Matina daw siya tapos pagkadating ko dun, puma-downtown daw siya. Sino ang Hindi ma-BV nun? Kaya yun umuwi nalang ako sa bahay at pagdating ko, Higa kaagad ako sa Kama ko at di ko na mapigilan ang aking sobra-sobrang stress. :\ Ayun, dun natapos ang 2nd and 3rd day ng pagiging 4th year class. hehe
