Para ka lang namili ng martilyo na ipupukpok mo sa ulo mo. Yung akala mo may ‘chance’ pero wala pala. Yung akala mo magkakagusto siya sa’yo, pero hindi pala. Alam mo yun? Yung mga possibilities na inisip mo na akala mo pwede. Ang hirap mag-expect pero mas mahirap ang mag-assume kaya tayo nasasaktan dahil sa mismong kagagawan natin.
Tayo mismo ang gumagawa ng dahilan para masaktan tayo. Pero wala naman tayong magagawa eh. Kapag nagmahal tayo minsan hindi nanatin alam na nagtatanga-tangahan na pala tayo. Ganun eh, nabubulag tayo ng pag-ibig. Hindi natin alam na marami palang posibilidad na mangyayari kapag nahulog tayo sa isang taong hindi naman pala talaga tayo gusto.
Pero minsan hindi rin natin maaaaring isisi lahat ng ‘to sa sarili natin.
May mga tao kasing magpapakita ng motibo sa’yo pero babaliwalian rin pala lahat lahat, iiwan ka rin sa huli. Kaya tulad ng sinabi ko, hindi mo pwedeng isisi lang lahat ng nangyari sa sarili mo. Sana kung di ka nalang pala niya kayang panindigan, in the first place sana di ka nalang pala niya pinakitaan ng motibo.
Alam niyo naranasan ko na rin yan. Alam niyo kung anong pakiramdam? — Ang sakit sakit. Kasi akala ko gusto niya din ako. Nahulog ako sa patibong niya sa’kin.
Mahirap sa mahirap pero wala tayong magagawa para malaman kung sino ang seryoso sa hindi at kung sino ang hindi tayo iiwan sa hindi aalis. Kahit anong bait mo sa mga tao, sila parin ang gagawa ng dahilan para masira ang tiwala natin sa kanila. Minsan kasi kapag nasira na ang tiwala natin, minsan mahirap na talaga ibalik.
May mga tao naman na dalang dala na. Yung tipong ayaw na nilang pumasok ulit sa isang relasyon kasi nadala na sila eh. Yung tipong nabigay na nila yung lahat pero nagawa parin silang iwan o ipagpalit. May mga tao rin naman na dahil sa gantong sitwasyon na nangyari sakanila, takot na silang magtiwala o takot na silang magmahal muli.
Pero gano’n talaga. Minsan kailangan din nating masaktan para lang maramdaman natin na hindi lahat sa buhay ay puro sarap lang, na hindi lahat ay nakukuha sa madalian. Isang araw makikilala nalang natin ‘tong tao na ‘to na bigla nalang kakatakot sa puso natin at siya na mismo ang gagawa ng paraan para hindi tayo saktan ng iba at siya narin mismo ang magpaparamdam na hindi ka dapat saktan ng kahit sino at hindi ka dapat iwan.
- Vice: Camera ka ba?
- Boy: Bakit?
- Vice: Lagot ka kay Claudine! :))
Kahit gaano karaming signs ang dumating at matupad,kung di ka niya mahal, hindi ka talaga niya mahal.
