<
Now The Party Don't Start, 'Till I Log In!

11.11.11 ko ito lang naman ang nangyari:

- Na-late sa NS2 ko na klase. Pumunta muna ako sa Room namin ng patakbo talaga tapos yun may nakasulat na papel sa pinto na “Proceed to AVR C” kaya yun nataranta naman ako at madaling bumaba tapos pero ang Good news nun, ay kakasimula pa ata nilang manood ng educational film tungkol dun sa earth2x skimmmmy tsaka about sa fosils(tama ba spelling?) at extinction ng mga dinosaurs ba yun. Tapos yun, dahil sa sleeeepy kong feeling ayun biglang sinabi ng teacher namin na “10 minutes, to do your reaction paper” kaya yun nataranta ako kung ano yung isusulat ko sa papel ko. Buti nalang may sinulat naman ako kahit konti dun sa isang yellow paper pero di ko parin talaga masulat kung ano yung gusto ko isulat kaya yun gawa2x nalang ako para may masagot. haha

- Nagquiz kami sa Theo131 namin pero sa kabutihang palad, okay2x naman yung quiniz namin. Pagkatapos ng quiz ay nakilala ko narin yung magiging grupo ko sa theo. may 2 chem eng at may isa na di ko alam anong kurso nya pero foreigner siya(mapapalaban ako sa inglisan. haha) 

- Pagkatapos ng Theo Class ko, pinagpatuloy ko ng aking kagrupo kong si Karl na gumawa ng aming Milestone 1 para sa aming SAD 2. Tapos sa kabutihang palad, natapos naman naming yung 2 iterations. Sa Awa ng Diyos! :)

- Kumain ng Lunch ng Mag-isa sa City Tri. Huhuhu. Pero nasasanay naman ako na maging Loner. Sanayin ko na. LOL HAHAHAHAHA :))

- Pag dating sa philo, napagtalunan ko pa ng kagrupo ko na si owe kung sino ang magrereport sa grupo namin pero ako parin yung tinawag ni maam. Kaya yun binasa ko yung nasa papel pero napansin parin ni maam ang aking pagiging kaba. (since elementary) kaya yun to the rescue aking classmate na si peter dahil kung hindi, GG talaga kami. sorry ka-groupmates. :( 

- Tapos yun, Com Arch class na naman. Sleeeepy na naman ako kaya yun di ako nakinig kay sir. >:))))

Ayan lang araw ko, nothing special. :) Kayo Musta?