Now The Party Don't Start, 'Till I Log In!

Dear you,

” Alam kong hindi mo ko ganun kapansin. Alam kong hindi mo nahahalatang ‘lagi’ kitang napapansin. Alam kong hindi ako nakalista sa mga kailangan mong makita sa araw-araw. Alam kong hindi mo naman talaga ako binibilang sa mga sobrang espesyal na tao sa buhay mo. At alam ko rin namang maaaring wala lang ako sa’yo.

Pero, gusto ko lang malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Kung gaano kita binibigyan at pinaglalaanan ng oras. Kung gaano kitang gustong pasayahin kahit ganito akong klaseng tao. At gusto ko rin na malaman mong hindi ka ordinaryo.

Nakakatawa man, pero oo. Ngayong pasko kasi, sabi sa sermon ng pari namin… sabihin ko daw sa mga tao sa buhay ko kung sino talaga sila sakin. At ngayon, gusto kong ipaalam sa’yo na espesyal ka. Nakakagulat na nakakatawa diba? Espesyal ka nang hindi mo man lang nararamdaman? Kung hindi ko man naipaparamdam, pasensya na. Pero, gusto ko lang malaman mo na yun ang totoo. At gusto ko talaga iparamdam kung gaano ka kahalaga. Pero paano? Paano kung hindi mo man lang ako nabibigyan ng atensyon.

Kung alam mo lang ang pakiramdam na kausapin ng isang tulad mo. Kung alam mo lang ang pagpapasalamat ko sa Diyos na ginawa ka niyang bahagi ng buhay ko. Kung alam mo lang ang ginagawa kong pag-iisip sa bawat gabi kung sa darating na panahon ay maiintindihan mo ako. Kung alam mo lang ang pagpapantasya ko na mahalaga din ako sa’yo. At kung alam mo lang siguro na ganito ang turing ko sa’yo…

Pero napaisip ako kung may magbabago ba kung malaman mo ito? May kapatutunguhan ba ang lahat ng pagsusulat ko? Maiiba ba ang nararamdaman mo kung mabasa mo man ito? At mababago ba ng mga salitang ito ang katotohanang wala lang ako sa’yo. Pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung ano ako sa’yo.

Ang masasabi ko nalang ay sana’y maging masaya ka ngayon pasko. At wag kang magalala sakin (kung maiisipan mo man mag-alala) nang dahil sa pagdadrama ko sa sulat na ‘to. Tandaan mo, naging masaya ako, kahit mag-isa lang ako. Mag-isang iniisip na sana kasama kita. Na sana mahalaga rin ako sa’yo. Na sana ay hindi rin ako ordinaryo. Na sana ay maningning ang pasko ko sa piling mo. At sana ay may nararamadaman ka rin para sa isang dukhang tulad ko.

Lubos na nagmamahal, Ybrik”

Bakit baaaaa ang bobo ko? Ginagawa ko naman ang lahat para makamit ko ang mga goals ko sa buhay? Pero di parin sapaaat ang lahat ng efforts ko? Di nga ako naglalaro masyado ng mga online games. di nag-dodota, dragonnest at kung ano pa.Pwera lang Tetris Battle, Twitter, Tumblr, Kinig ng Kanta at Facebook! Pero nag-aaral naman ako pero bakit ganun parin? Di parin bumubunga ang lahat ng paghihirap ko. ;’(( awang-awa na ako sa sarili ko. Huhu :\

There are times when I feel like I’m carrying all the weight of the world on my shoulders. I don’t know. It seems like I’m facing the world’s worst situation. I convince myself that I’m living lightly and happy, but the sad truth is that I want to give up and put everything down. I’m so hopeless. Each day, I wake up to a pretentious life. I smile so that no one could think that something’s wrong. I’m getting so tired, and I’m dying to take a break.



Marami ang ganito, natutuwa na nagmamahal palihim. Kahit na nasasaktan, pero kahit papano naman eh nagiging masaya sila sa nararamdaman ng taong minamahal nila. Kasi basta masaya ang taong mahal nila, eh masaya na rin sila. Nauuso pa rin pala ang ka martyran ngayon no? Nag eexist pa rin pala ito dahil sa pag-ibig. 

Pero wala kang magagawa, sa oras kasi na sinabi mo baka mailang pa ito sayo, baka sabihin pa nito na “sana hindi mo na lang sinabi para hindi ako naiilang sayo”. Dyahe at masakit nga naman yun diba? Kaya inaappreciate na lang natin ang mga bagay dahil palagi natin siyang nakakausap, madalas natin silang nakakakulitan ng hindi sinasabi na mahal natin sila.

Pwede ngang sabihin natin yun na isang wagas na pagmamahal diba? Hindi naman pagmahal eh dapat maging kayo agad nga naman eh. Sapat na yung mahal mo lang.. Oo.. Yung mahal mo lang. Iisipin na lang natin na bonus na lang sa atin kapag minahal tayo pabalik ng taong gusto natin.

I just dont get it. Do you enjoy being hurt?

Bakit nung Kinausap ko lang siya kanina, parang ang tingin nya sa akin paring kinasusuklaman na niya ako? Grabe! Parang abot langit talaga ang Galit nya sa akin, ni di ko nga alam ang rason bakit nagkakaganun siya? Pero Sana, maayos na ang dapat o maari ko pang maayos. Ayaw ko lang kasi talaga na may nakakaaway na, tapos na ang ERA na iyon at ayaw ko ng balikan, gusto ko maging masaya na ang lahat, Wala ng inaalalang tao na dapat kausapin and etc.

Ang maipapayo ko lang sa iyo, sana kalimutan na yung nangyari noon, at magsimula ng bagong bukas. Alam mo, wag ka talagang magtanim ng Galit sa iyong puso. Kasi na-experience ko na yan, wala talagang magandang maidudulot yang pagtatanim ng galit. Pramis! Sana, maging magkaibigan na ulit tayo! :| *crossing fingers* 

He’s strong,he’s undefeated,I respect that but I know I won the fight
Manny Pacquiao

Sorry ngayon ko lang to ishashare, medyo ang dami kong ginawa ngayong week eh. Enrollment skemadoo at sobrang babad sa paglilinis sa dumi ng aso. ugh haha over! K, san na tayo. Ayun, kinagabihan kasi nun umuwi ako ng bahay para kunin ko yung 500 pesos sa kapitbahay namin kasi para pambili ko ng dog food para sa akin. Hindi2x, sa mga aso! hahaha Tapos nun, ka-text ko naman yung kaibigan ko na medyo di ko nakasundo ng ilang weeks pero OKAY NA OKAY NA KAMI NGAYON! Yun nalaman ko nag-stop daw siya sa pag-aaral kasi may sakit siya sa puso at kailangan nyang mapa-opera sa July 19 kaya yun medyo na-worry talaga ako at napaiyak pa ako nung sinabi nya kaya yun nabigla ako habang nasa tricycle ako para pupunta ng SM, tinawagan nya ako. Sabi nya “Nasaan daw ako?” Sabi ko “Papuntang SM, bibili ng Dog Food! Punta ako dyan?” Tapos sabi niya, “Okay lang. Dali para sabay tayo dinner.” Ayun, dali2x talaga ako bumili ng pagkain kaya yun diretso kaagad ako punta sa kanila. Medyo nagugutom narin kasi ako nung time na yun. Pag dating ko sa bahay nila, Normal lang ang nangyari. Kain muna tapos pinagusapan ang lahat na dapat usapan. May mga kwento na dapat iklaro and what so ever blah2x. Di ko na idetail talaga kasi nakalimutan ko narin yung iba. Basta Masaya ako na, Okay na kami. Malungkot, kasi di ko na siya makikita sa School! Sad. Pero Meron namang FB tsaka Text eh, pwede panaman kami mag-communicate. Alam ko man rin ang Bahay nila kaya yun. God is Really Good Talaga! Di niya kami Hinayaan na Mabalewala ang aming Pagsasama.  :)

Ayoko ng ganitong pakiramdam, pakiramdam ko e walang wala ako as in wala, tipong ‘di nageexist sa mundo. Ganun. Mahirap. May mga oras na ang dami-daming pumapasok sa isip ko na ewan at ‘di ko talaga malaman-laman. Maiisip ko na lang na halos lahat e tinalikuran na ako, ‘di ako napapansin, ‘di ako kilala, ‘binabalewala ako at walang nagpapahalaga sa akin., mga ganyang feeling na ang hirap sa pakiramdam, tipong sasabog na lang sa dibdib mo. Alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo lahat ng naiisip kong ‘to pero ang hirap pa rin sa pakiramdam. Ewan ko ba, mya mga oras talaga na pabago-bago na lang ang nararamdaman ko. ‘Yun bang kani-kanina lang e ang saya-saya ko tas bigla na lang malulungkot. Hay. Ang gulo nito. 

Di ko ba alam kung bakit ganito ang na-fefeel ko at this moment ng buhay ko. Siguro naging epekto talaga ito dun sa di namin pagkakaintindihan ng mga kaibigan ko. Parang, mas nafefeel ko ngayon na parang nag-iisa lang ako sa labang ito. Ni isa sa kanila, di man lang tinanong kung KUMUSTA na ako? o kahit ano pa. Medyo nalulungkot lang talaga ako sa mga pangyayari. Sa tingin ko, sa paningin nila NAKAGAWA NGA LANG AKO ng ISANG PAGKAKAMALI, feeling ko ang SAMA-SAMA ko ng tao. Grabe! :( Sana binigyan nyo talaga ako ng chance para magpaliwanag. 

Inaamin ko, nagkamali talaga ako pero sana inalam nyo muna bakit ko ginawa yun. Pero sa totoo namimiss ko na kayong lahat. </3

Nilulugar mo lang ang sarili mo sa tama at dapat mong kalagyan. Hindi ka pumapatol dahil alam mong may pinag-aralan ka at mas mataas ang level mo sa kanila. Wag na wag mong hayaan na masira nila ang reputasyon mo.

This. This is so me right now. 

May mga tao talagang kahit anong gawin mong kabutihan hahanap at hahanap yan ng paraan masiraan ka lang.

Ngayong araw na ito siguro ang pinaka-pinaka malungkot na araw sa buhay ko. Wala na talaga. Kahit anong gawin ko, Wala na. Tapos na! :(( Tapos na ang pagkakaibigan. Sila na mismo ang nagsabing Lumayo na ako sa kanila. Pero sige lang, wala na akong magagawa eh. Kasalanan ko man rin. Alangan naman ipagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya. Di Ako nag-dadrama, sinasabi ko lang ang saloobin ko dito, kasi BLOG ito! May Karapatan akong magbulalas ng mga kahit anong pangyayari sa buhay ko.

Pero sana bago muna sila magdesisyon ng patapos. Marinig naman sana nila ang side ko. Medyo na-hurt lang talaga ako sa sinabi ng isa kong kakilala na “i-blocked nyo si mus and blah2x”. Di ko naman talaga intention napagawayin ko yung kaibigan ko at yung isang kaibigan ng nagsabi nun sa kanya. Di ko naman rin sinasadya na ipost ko yung sa Facebook, eh kasi sa sobrang dami ng problemang dumating sa buhay ko at ng pamilya ko nung araw na iyon, sumagi lang sa isip ko yung sinabi ng kaibigan ko sa akin na yung may plano daw sila i-blocked ako and etc. Di ko Intensyon na pagawayin ang mga kaibigan ko.

Sabi ng isa kong kaibigan, kahit ano pa ugali ko daw kesyo mabait ako o masama, tanggapin daw nila ako kasi kaibigan nga nila ako. Dapat di daw ako paapekto sa mga bagay2x sa buhay. Ako kasi daw yung taong madaling mainsecure sa sarili, at madaling ma-down sa mga bagay2x. Hay! Di ko na talaga alam anong gagawin ko sa buhay. 

Pero ito totoo talaga ito, masayang-masaya talaga ako na parati ko silang kasama araw-araw. Itinuring ko na nga silang ikalawang pamilya eh. Sa Totoo lang. Napalapit na talaga sila sa puso pero ito, hindi maganda ang paghihiwalay namin. Pero sana, umaasa parin ako na buksan nila ang kanilang puso para makinig dahil ako, di naman akong perpektong tao. Nagkakamali rin ako! :’( </3

Pinakamasakit na siguro na nalaman ko:

“Iwasan nyo na yan si, Mus!”

“I-blocked kaya nato si Mus!”

“Alis tayo lahat sa Group, Gawa tayo bago!”

  GRABE GYUD! GRABE KA!  Parang Ang laki naman ng kasalanan ko sayo kahit wala naman talaga!  Di nga kita binack-stab, Pinagtanggol pa naman  kita noon sa mga tao tapos ito naman ang Ginanti mo sa akin! 

Plano ko na sana kausapin ka sa susunod na linggo, pero nawalan ako ng gana. Akala ko iba ka sa ibang tao. Akala ko Mabait ka. O Sige i-unfriend mo ko. Wala na akong pakialam. Desisyon mo yan. OA na ako kung OA ako pero ganito ako eh! Di naman lahat ng tao mapiplease ko eh. Di ko ba alam ba na-high ako sayo noon, nagkamali pala ako. Basta lahat ng pinakita ko sayo na kabutihan, TOTOO IYUN! T___T Kung mababasa mo ito sana maisip mo, nasaktan talaga ako sa sinabi mo sa iba nating kaibigan. Alam mo naman siguro, mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko, napalapit na sila sa puso ko tapos ipapaiwas mo sila sa akin. Grabe talaga! :’( tsssss. Bahala na! Ang Sakit lang di ako makapaniwala talaga na galing sayo iyun. </3 :(

Masasabi ko talaga ibang-iba ang nangyari sa akin nung nakaraang linggo at ngayong linggo. Pero sa tingin ko itong linggo na ito ang pinakaworst na linggo ng buhay ko. Pero aminado naman ako yung may kasalanan. Tsk :( Pero ang hinihiling ko lang sana sa kanila eh sana ay buksan nila ang kanilang puso para sa kapatawaran. Sa totoo lang, di ko na talaga mapigilan yung feeling na namimiss ko na sila. Parang di talaga buo ang araw ko pagdi ko sila nakikita o nakakausap. 

Kung bibigyan lang siguro ako ng pagkakataon na tanggalin sa katawan ko, yun ang bunganga ko. Kasi dahil sa walang prenong bunganga, marami ang nasisirang pamilya, relasyon o kaibigan. Yun ang isa sa problema sa akin. Yun ang isa sa pangit sa akin. Aminado naman ako. :\ Kaya kung bibigyan ako ng Pagkakataon.

Grabe. Miss na miss ko na talaga sila. Sana bukas, maging okay na kaming lahat. ipagdadasal ko talaga ito mamaya bago ako matulog. Lord, Pleeeease! Kasi Napalapit na talaga sila sa aking puso. ;’(